Nahanap ko na si ligaya
- vkescalera
- Jan 16, 2020
- 2 min read
Totoo, nahanap ko na si "ligaya" at siya ay si "simple".
Sasabihin nyo, "weh, 'd nga? Paano?
Ganito lang iyon, pagod na pagod ka na ba sa buhay? Kung ganoon, sige umabsent ka at sabihin mo sa boss mo, "Boss, masakit super ang ulo ko".
Hindi ba simple? Kapag pagod magpahinga.
Ayaw mo nang tumayo sa kama tuwing umaga?
Ayaw mo sa boss mo?
Ayaw mo nang maging malungkot?
Ayaw mo na nang utang?
Ayaw mo maging miserable?
In short, ayaw muna sa buhay mo?
Simple, gusto mo lang naman maging masaya, kasi kung masaya ka, hindi ka aalis kung nasaan ka man na estado mo sa buhay.
Simple lang, baguhin mo ang sarili mo.
Sasabihin nyo ulit."Weh, parang andale!"
Madali siya! Gusto ko isigaw na madali siya, sentido kumon lang pala.
Sabi nga ni pareng Einstein, "the definition of a genius is taking the complex and making it simple". Sumaya ka na at genius ka pa!
Isang simpleng pangungusap na nakapagpabago ng buhay ko. Sa lahat ng ng aspeto ng buhay, tanungin mo ang sarili mo? Ano ang pinaka-simpleng sagot sa problema ko? Anu pinaka-simpleng solusyon?
Ang pagiging simple ang tumulong sa akin na makita na hindi naman talaga komplikado ang buhay, na ang ibang tao sa paligid ko ay hindi ko kontrolado. Boss na akala mo Diyos? kaopisina na tsismosa, at iba pa? Hindi ko sila kontrolado.
Ang pwede ko lang magawa ay kontrolin ang sarili ko, mag-trabaho ng maayos, iwasan ang tsismis, tapos ang problema ko.
Sinubukan kong gawin, 30 days lang at napansin ko mas kalmado ang utak ko, mas gusto ko na pumasok sa opisina, mas masaya ako. Oh, hindi ba simple?
Gawing simple lang pala ang lahat para maging masaya.
Si ligaya pala ay nandiyan lang, na sa iyo, hawak muna, gawin mo lang simple ang buhay mo.
Komentáře